
Anak ni Kulapo na pamangkin ni putakte, ang palad ko ay biglang nangate noong mabasa ko ang pacontest na are. Ito na ata ang pinakamatindi, sa dami ng papremyo totoo namang ikaw ay maririnde. Kaya ano pa ang itinatanga mo diyan, sumulat na ng entry at ang mga rumeyts mo ay sabihan upang sa pautot na ito ikaw ay magantimpalaan. Bago ko nga pala makalimutan, salubungin natin ng masigabong palakpakan, ang nagsimula ng napakagarbong pautot. Ito ay walang iba kundi si Buraot!
Ayon sa sabi-sabi si Buraot daw ay totoong napakagandang lalake kaya pala siya laging nakatalikod ay para daw iwas sa mga magagandang babae na gusto siyang makatabi! Sa hindi pa nakakakilala, ang taong ito ay tunay na napakakwela. Lahat ng storya sa blog niya ay siguradong mawiwili ka. Kahit sinkong kulot ay walang ligtas sa kanya, pati ang sasakyan niyang si Tagpi ay kanyang pinararampa. Akalain mong ang mini cooper ay pinatalon niya sa tulay na sa kabilang dulo ay kapos pala. Kundi dahil sa bulaklak ng saging malamang sa emergency room siya pupulutin! Itong sulat ko ay dine ko na tatapusin, basahin mo na laang ang iba pa niyang nilathala upang ikaw ay di mabitin. Kung hindi ka naman palarin sa SIKATCHUPOY SI BURAOT CONTEST ikaw ay malasin, huwag ka mag-alala dahil may libre kan tutpik sa akin!
Paalala: Si Buraot ay nagbabalik at handa na uling maghasik ng kaligayahan sa ating lahat!!! Bawal dine ang KANO pero pasok ang ilo-KANO! For Pinoy’s and Pinay’s bloggers only!
may akda:
itot54joni
Related posts:

Comments