Ang hirap talaga ipaliwanag ang pagiging isang blogger sa ama mo, ina mo, kapatid mo, pinsan mo, tiyahin mo, tiyuhin mo, lola mo, lolo mo, kabarkada mo, pati na sa tsismosang kapitbahay mo! Kapag tinatanong nila ako kung ano ang pinagkakaabalahan ko, ang sagot ko ay nagbablogs. Ano daw yun ika nila? Sagot ko ay, iyon ay isang lugar sa web na pwede kang magsulat ng kung anu-ano, maglagay ng larawan at video. Hindi ko na pinalawig pa kasi puputaktihin laang ako ng napakaraming walang kwentang tanong!hehehe! Eh tanong uli nila kung ano naman daw mapapala ko dine? Sagot ko naman abay “MADAMI!”

Una madadagdagan ang kaalaman mo sa mga bagay bagay na mababasa mo sa iba’t ibang blogs na iyong mapupuntahan. Pangalawa, makakakilala ka ng kapwa mo pinoy at ibang lahi na kapareho mo ng hilig sa blogs. Pangatlo ay pwede mong pagkakitaan ito at pang-apat kung papalarin ay sisikat ka dine. Eh pano naman daw kikita dine? Sagot ko ay pwede ka kumita ng dolyar sa mga advertisements na ilalagay mo sa blog mo, pwede ka din sumali sa mga sponsored post para lalong mas malaki ang kita mo. “AH” ang sagot nila. Noong isang araw naman ay kasama ko ang ama ko, ipinagmamalaki ko sa kanya na kumikita na ako. Eh asan daw ang pera ko? Sabi ko ay wala pa at ipapadala pa laang sa pebrero. Sabi niya ay itigil mo na yan, wala ka naman mapapala diyan. Maghanap ka ng trabaho, yun ang pinakamagaling na gawin mo. Medyo nadismaya ako sa sinabi niya. Naitanong ko sa kanya kung napanood niya yun balita noong isang araw na ipinalabas si Christine a.k.a Happy Slip. Sagot niya ay oo. Sabi ko sa kanya yun si happy slip ay isang fil-am na blogger na sikat na sikat ngayon sa internet. Ayun nalinawanagan ng di oras ang ama ko. Ah yun ga iyon ang sabi niya. Ibig sabihin ay talagang sumisikat at kumikita dyan sa pagbablog na yan. Abay UU NAMAN ang sagot ko sa kanya. Gaya niyan si happy slip, pinapunta siya dito ng Department of Tourism ng libre para ienderso ang turismo sa mga kapwa niyang fil-am sa amerika. Tanong niya eh di kumikita din yun, sagot ko uli ay uu naman. Siya nga ang pinakasikat ngayon sa buong mundo dahil sa pagbablog niya. At hindi lang yun ang sabi ko sa kanya. Karamihan ng mga propesyonal ay iniiwan ang kanilang trabaho at nagbablogs na laang. Kung talagang pagsisipagan mo ay may kaldereta este nilaga. Kaya pasalamat ako kay happy slip dahil hulog siya talaga ng langit. Kung hindi dahil sa kanya ay tatanga tanga pa din ang ama ko na intindihin itong ginagawa ko.

Related posts:

  1. I’m Going To Meet Happy Slip!
  2. Happy Slip Fans’ Day
  3. Happy Slip Cover: I’m Yours
  4. Happy Thanksgiving Day
  5. Happy 4th Of July!